The girl next door ➩ - Ito yung Kapalit ng 76k na pera ng mga magulang... The girl next door ➩

Ito yung Kapalit ng 76k na pera ng mga magulang ko.. Sa ginamit nilang Tuition fee ko sa isang taon..

Wala akong magagawa kung ayaw nilang makakita ng 3 or 5 sa grades ko.. Eh yun talaga eh.(thank god wala akong SINGKO)

Hanggang dun lang yung kaya ko .. Mababaliw ako kapag magseseryoso ako ng todo. 

i did my best”  

yun ang sabi ko… Pero nararamdaman ko hindi pa yun yung “best” ko.. Kasi ako yung tipong petiks lang.. Feeling high school parin. Hindi ako ganun kagaling para hanapan ng grades na naglalaro lang sa 1/1.5/1.75 

Tamad ako.. Tamad mag aral. Kung may quiz, magbabasa lang ng konti, mas marami pa yung time ko sa pagnenet / text kesa magbasa. Pag exam hindi rin nakakapagreview ng mabuti. kaya anong aasahan ko? Diba? Pero kahit na ganun hindi din naman ako nahuhuli sa klase. May ibubuga parin naman ako kahit papaano. :’) bawing bawi parin naman.

Sa totoo lang walang mahirap sa Subjects ko… yung professor lang talaga yung kalaban mo jan. 

Tatlong araw akong Nakatambay sa Student Portal ko. Naghihintay na magencode yung mga teacher ng Grades.. Ngayong second sem Ang saya kona… Yung Math nalang ang wala.. Yung Math nalang ang hinihintay ko.. nakakapigil hininga kapag irereload ko yung page para lang mag update na lumabas na yung grade ko sa math… Yung mga kaibigan ko nagmumura na sa twitter,… Hindi ako kinabahan. Kasi pasado naman yung prelim at midterm ko dun.

Pagka reload ko .. BOOOOOOOOOOOOM TRES ! Nagmura ako.. Haaaaaaay Madi disappoint ko kasi yung kuya ko.. Ayaw niya kasi na magkaron ulit ako ng Tres tulad ng ngyari nung first sem sa Filipino.. 

math talagaaaaaaaaaa Panira kahit kailan.. 

Accept it.. anjan na eh.. At least hindi ako bumagsak.. Naaawa ako sa mga blockmates ko na bumagsak sa letcheng math na yan..

Soooooo

That’s it.. Alam ko sa Sarili ko na… DESERVE KO ITO :) 

(Source: itsgellie-cious)


    1. itsgellie-cious posted this